56 Pinoy jins sisipa sa Asian Junior Taekwondo Championships
MANILA, Philippines – Magpapadala ang Philippine Taekwondo Association (PTA) ng 56 jins para sa 2015 Asian Junior Taekwondo Championships mula Abril 11 hanggang 17 sa New Taipei City, Taiwan.
May 34 manlalaro sa men, women, boys at girls ang sasali sa junior at Cadets divisions sa kyorugi (sparring) na suportado ng Meralco at MVP Sports Foundation habang 20 pa ang lalaban para sa junior at Cadets sa poomsae (forms) na may ayuda ng PLDT Home BRO at MVP Sports Foundation.
May dalawa pang manlalaro edad 17 hanggang 19 ang isasali sa Para event.
May anim na coaches at tatlong international referees pa ang kasama sa delegasyon na suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Smart Communications Inc., PLDT at Milo.
Tinatayang nasa 35 bansa ang sasali at kabilang dito ay ang Korea, China, Iran, Chinese Taipei, Vietnam, Indonesia at Thailand.
Hanap ng Pambansang delegasyon ang mahigitan ang dalawang ginto, isang pilak at limang bronze medals sa 2013 edisyon sa Jakarta, Indonesia.
Gagamitin ng PTA ang kompetisyong ito bilang paghahanda para sa mas malalaking torneo tulad ng Korea Open sa Hulyo at ang World Cadet Championships sa Agosto sa Muju, Korea.
- Latest