^

PSN Palaro

Mayweather may patutunayan kaya nilabanan si Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pera kundi ang mapatunayan na si Floyd Mayweather Jr. ang pinakamahusay na boksingero sa kapanahunang ito ang mahalaga kaya tinanggap niya ang laban kay Manny Pacquiao.

Sa panayam ng Mlive.com, sinabi  ni Mayweather na sa panahong ito ay hindi na mahalaga sa kanya ang kikitain sa laban o ang magkaroon pa ng magagarang sasakyan dahil nasa kanya na ito.

Ang pinagtutuunan ngayon ng 38-anyos at walang talong boksingero matapos ang 47 laban ay ang ipakita sa lahat na siya ang pinakamahusay na boxer para sa kanyang pamilya.

“It’s about my children, the legacy, them getting the best education. That’s what’s mainly important to me. I don’t worry about the fight because I know what I can do and I know what I bring to the table,” wika ni Mayweather.

Tutok siya sa kanilang pagsasanay kaya hindi rin niya pinag-iintindi ang balitang madalas pulikatin si Pacquiao sa kanyang preparasyon.

“My focus is to go out there and entertain, and win, and look good doing it,” dagdag pa ni Mayweather.

“When you’re at the pinnacle of the sport, everyone is gunning for you. He’s (Pacquiao) a solid competitor. I don’t try to focus on his weakness at all. My focus is to focus on what he does well, and he’s a hell of a fighter,’ wika pa ng pound-for-pound king.

Kung hindi iniisip ni Mayweather ang cramps ni Pacquiao, ang kanyang mga trainers ang naghahanap ng paraan para kapitalisahin ito sa Mayo 2.

May isang buwan pa bago sumambulat ang mega-fight na ito kaya’t mas titindi ang preparasyon nina Mayweather at Pacquiao upang maging handang-handa sa bakbakan sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. (AT)

ACIRC

ANG

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

ITO

LAS VEGAS

MAYWEATHER

MLIVE

PACQUIAO

TUTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with