^

PSN Palaro

Asian Youth Tenpin Bowling Championships: Hernandez humakot ng medalya

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinandalan ng Philippine junior bowlers ang husay ni Enzo Hernandez para magkaroon ng dalawang pilak at dalawang bronze medals sa 18th Asian Youth Tenpin Bowling Championships na ginawa sa Complexo Desportivo Internacional do Cotal Bowling Centre sa Macau, China.

Matapos angkinin ang pilak sa boys’ singles at bronze sa doubles katambal si Ivan Malig ay kuminang pa ang 18-anyos na si Hernandez sa All Events sa isa pang silver bago tinapos ang kampanya sa isa pang bronze sa Masters.

Nagkaroon ng kabu­uang 4165 pinfalls si Hernandez sa All Events  habang natalo siya kay Billy Islam ng Indonesia sa unang laro sa stepladder finals, 216-256, sa Masters.

Lumabas na second seed si Hernandez matapos ang 16-game series sa naitalang 3832 total pero nanlamig siya sa laro laban kay Islam para makontento sa bronze medals.

Nakasama sa boys’ team sina Mitch Espinosa at Merwin Tan habang ang girls’ team ay binalikat nina Bea Hernandez, Jasha Jakon, Angela Lazo at Bea Santarin, ang Pilipinas ay tumapos ng ikalimang puwesto sa pang­kalahatan sa 15 bansa na sumali.

Tulad ng dapat asahan, ang Malaysia ang lumabas bilang overall champion bitbit ang apat na ginto, tatlong pilak at isang bronze medals.

Si Muhd Rafiq Ismail ang siyang nanguna sa Malaysian team nang walisin ang apat na ginto na pinaglabanan sa kala­lakihan.

Pumangalawa ang Korea (2-1-0)  bago sumunod ang Singapore (1-1-4) at Indonesia (1-1-2). 

vuukle comment

ACIRC

ALL EVENTS

ANG

ANGELA LAZO

ASIAN YOUTH TENPIN BOWLING CHAMPIONSHIPS

BEA HERNANDEZ

BEA SANTARIN

BILLY ISLAM

COMPLEXO DESPORTIVO INTERNACIONAL

COTAL BOWLING CENTRE

HERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with