^

PSN Palaro

Painters, Bolts unahang itarak ang 1-0 lead

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Rain or Shine vs Meralco

MANILA, Philippines – Wala nang hawak na ‘twice-to-beat’ incentive ang Rain or Shine.

Kaya naman magiging pantay na ang pagsagupa nila sa Meralco sa kanilang best-of-five semifinals series para sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.

“We are just an expe­rienced team but not ta­lented as Meralco,” pagku­kumpara ni coach Yeng Guiao sa kanyang Elasto Painter at sa Bolts ni mentor Norman Black.

Kaagad sinibak ng Rain or Shine, humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals ang No. 8 Barangay Ginebra mula sa kontrobersyal na 92-91 panalo noong Sabado.

Sinuspinde ni PBA Commissioner Chito Salud ang referee na nabigong tumawag ng 24-second shot clock violation sa Gin Kings bago natapikan ng bola ni Elasto Painter’s guard Jeff Chan si import Michael Dunigan sa huling 4.9 segundo.

Sinabi ni Salud na dapat ay tinawagan ng shot clock violation ang Ginebra na hindi nangyari at nagresulta sa fastbreak layup ni Chan para sa panalo ng Rain or Shine.

Kinailangan naman ng No. 5 Meralco na walisin ang No. 4 NLEX, 97-82 at 91-85 (overtime), sa ka­ni­lang quarterfinals showdown patungo sa semis.

Sa naturang panalo sa Game Two ay bumangon ang koponan ni Black mula sa 20-point deficit sa Road Warriors sa third period.

Sina Chan, import Way­ne Chism, Paul Lee, Beau Belga, Gabe Norwood at center Raymond Almazan ang muling babandera para sa Elasto Painters.

ACIRC

ANG

BARANGAY GINEBRA

BEAU BELGA

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTER

ELASTO PAINTERS

GABE NORWOOD

GAME TWO

GIN KINGS

MERALCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with