MANILA, Philippines – Kapwa winalis ng No. 3 Purefoods at No. 5 Meralco ang kanilang mga best-of-three quarterfinals series para makumpleto ang Final Four.
Tinalo ng Hotshots ang No. 6 Alaska Aces, 96-89, habang niresbakan ng Bolts ang No. 4 NLEX Road Warriors sa overtime, 91-85, sa Game Two ng kanilang serye sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Lalabanan ng Rain or Shine ang Meralco at sasagupain ng Talk ‘N Text ang Purefoods sa kani-kanilang best-of-five semifinals showdown na magsisimula bukas.
“It got scary in the end. Big relief we made it through the quarters,” sabi ni coach Tim Cone sa pagwalis ng kanyang Hotshots sa Aces sa kanilang quarterfinals series. “I can’t tell you how glad we are to get through this series.”
Umiskor si import Denzel Bowles ng 32 points para sa Purefoods kasunod ang 16 ni Joe Devance, 14 ni Mark Barroca at 11 ni James Yap.
Sa ikalawang laro nagpasabog si Gary David ng 31 points, kabilang ang apat sa overtime period, para banderahan ang Bolts laban sa Road Warriors.
Samantala, isa kina referees Rommel Gruta, Peter Balao at Ray Yante ang sinuspinde ni PBA Commissioner Chito Salud dahil sa kabiguang tawagan ng 24-second shotclock ang Barangay Ginebra sa 91-92 kabiguan nito sa Rain or Shine noong Sabado.
Sa huling 4.9 segundo ay naagaw ni Chan ang bola mula kay Dunigan at isinalpak ang kanyang fastbreak lay-up para sa panalo ng Elasto Painters.