MANILA, Philippines - Naghahanap ngayon ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. ng mga coaches na permanenteng gagabay sa national team.
“We have to form a pool of coaches. We will identify these coaches and upgrade their skills,” sabi ni LVPI president Joey Romasanta kahapon.
Idinagdag ni Romasanta na panahon na para tutukan ng LVPI, binigyan ng rekognisyon ng International Volleyball Federation o FIVB, ang kanilang mga programa.
Kinilala rin ng Philippine Olympic Committee ang LVPI na bubuo ng koponan para sa Asian Under-23 Women’s Championship na nakatakda sa Mayo.
Sisiguraduhin ng LVPI na may magiging kinatawan ang bansa sa 28th SEA Games sa Singapore sa Hunyo.
Hinugot ni Romasanta si Roger Gorayeb para maging head coach ng women’s team.
“We can’t just focus on the players. We also have to prioritize the coaches,” pahayag pa ni Romasanta.
Plano din ng LVPI na kumuha ng mga dagdag na referees na kinikilala ng FIVB.
Kapag nakabuo na sila ng pool ng mga coaches ay bibigyan ito ni Romasanta ng kanilang mga sariling trabaho.