4 teams unahang lumapit sa semis

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 pm NLEX vs Meralco

7 p.m. Purefoods vs Alaska

 

MANILA, Philippines - Isang araw matapos ang dramatiko nilang panalo sa elimination round, muling susuong sa bagong hamon ang mga Aces.

Sasagupain ng No. 6 Alaska ang No. 3 Purefoods, ang nagdedepensang kampeon, ngayong alas-7 ng gabi matapos ang banggaan ng No. 4 NLEX kontra sa No. 5 Meralco sa alas-4:15 ng hapon sa kani-kanilang best-of-three quarterfinals series ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Para maagaw ang No. 6 berth at makaiwas na makaharap ang mga may ‘twice-to-beat’ advantage na No. 1 Rain or Shine Elasto Painters at  No. 2 Talk ‘N Text Tropang Texters, kinailangan ng Aces na talunin ang Ginebra Gin Kings ng 6 points, 104-98, noong Miyerkules.

“I’m grateful we made the playoff, even making the best-of-three series instead of playing an opponent with a twice-to-beat advantage,” sabi ni head coach Alex Compton.

Laban sa bigating Hot­­shots, muling aasa si Compton kina import Damion Jones, Cyrus Baguio, JVee Casio, Calvin Abueva, Sonny Thoss at Vic Manuel katapat sina reinforcement Denzel Bowles, two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Marc Pingris, Mark Barroca, Joe Devance at PJ Simon.

“It’s an incredible road ahead, but what’s im­portant is that our guys gave us life,” dagdag pa ni Compton na makakaharap si Grand Slam champion mentor Tim Cone.

Sa unang laro, mag-uunahan din sa pag-angkin sa 1-0 lead sa serye ang Road Warriors at ang Bolts.

Nalasap ng NLEX ang una nilang kabiguan matapos kumamada ng limang sunod na panalo, habang nasa three-game losing skid naman ang Meralco.

Show comments