4 teams unahang lumapit sa semis
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 pm NLEX vs Meralco
7 p.m. Purefoods vs Alaska
MANILA, Philippines - Isang araw matapos ang dramatiko nilang panalo sa elimination round, muling susuong sa bagong hamon ang mga Aces.
Sasagupain ng No. 6 Alaska ang No. 3 Purefoods, ang nagdedepensang kampeon, ngayong alas-7 ng gabi matapos ang banggaan ng No. 4 NLEX kontra sa No. 5 Meralco sa alas-4:15 ng hapon sa kani-kanilang best-of-three quarterfinals series ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Para maagaw ang No. 6 berth at makaiwas na makaharap ang mga may ‘twice-to-beat’ advantage na No. 1 Rain or Shine Elasto Painters at No. 2 Talk ‘N Text Tropang Texters, kinailangan ng Aces na talunin ang Ginebra Gin Kings ng 6 points, 104-98, noong Miyerkules.
“I’m grateful we made the playoff, even making the best-of-three series instead of playing an opponent with a twice-to-beat advantage,” sabi ni head coach Alex Compton.
Laban sa bigating Hotshots, muling aasa si Compton kina import Damion Jones, Cyrus Baguio, JVee Casio, Calvin Abueva, Sonny Thoss at Vic Manuel katapat sina reinforcement Denzel Bowles, two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Marc Pingris, Mark Barroca, Joe Devance at PJ Simon.
“It’s an incredible road ahead, but what’s important is that our guys gave us life,” dagdag pa ni Compton na makakaharap si Grand Slam champion mentor Tim Cone.
Sa unang laro, mag-uunahan din sa pag-angkin sa 1-0 lead sa serye ang Road Warriors at ang Bolts.
Nalasap ng NLEX ang una nilang kabiguan matapos kumamada ng limang sunod na panalo, habang nasa three-game losing skid naman ang Meralco.
- Latest