^

PSN Palaro

Amaya kumpiyansang maibibigay ang gold sa SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handa na si Amaya Paz-Cojuangco na ipakita uli ang magandang porma sa SEA Games sa Singapore.

Taong 2007 sa Thailand SEA Games nanalo ng dalawang ginto sa individual at team compound si Paz-Cojuangco bago nama­hinga nang nagkaroon ng sariling pamilya.

Mataas ang kumpiyansa ni Paz-Cojuangco na maibabalik ang sarili bilang number one sa kababaihan matapos manalo ng dalawang ginto sa compound sa idinaos na Asian Archery Cup sa Bangkok, Thailand kamakailan,

Nakuha niya ang ginto sa team compound kasama sina Jennifer Chan at baguhang Andrea Robles habang ang ikalawang ginto ay sa pakikipagtambalan kay Jeff Adriano  sa Mixed team event. Siya rin ang naghatid ng pilak sa individual compound.

“The showing of the women’s compound team tells us we have a good chance in Singapore,” wika ni Paz. “It was in 2007 when I last competed in the SEAG and I am looking forward to with another gold in June.”

Si Paz at ang iba pang mga kasapi na naglaro sa Asia Cup ay umani ng dalawang ginto at isang pilak, iniharap sa mga mamamahayag kahapon.

Nakasama sa pananghalian sa Aristocrat sa Roxas Boulevard ang Philippine Archers National Network and Allliance, Inc. (PANNA) president na si Federico Moreno, ang chairman  na si Felizardo Sevilla Jr. at POC president Jose Cojuangco Jr.

Nagsimula ang paghahatid ng magandang balita ang archery noong Agosto nang nagtulong sina Gabriel Moreno at Li Jiaman sa mixed international team event sa Youth Olympic Games bago nasundan ng kauna-unahang bronze medal ng bansa sa Asian Games na hatid ni Paul Marton dela Cruz sa men’s individual compound sa Incheon, Korea.

AMAYA PAZ-COJUANGCO

ANDREA ROBLES

ASIA CUP

ASIAN ARCHERY CUP

ASIAN GAMES

FEDERICO MORENO

FELIZARDO SEVILLA JR.

GABRIEL MORENO

JEFF ADRIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with