Jinkee, mga anak dumating na sa L.A. dagdag inspirasyon kay Pacquiao

Sabik na sinalubong ni Manny Pacquiao ang kanyang asawang si Jinkee at mga anak na dumating na kahapon sa L.A. Jhay Otamias@Philboxing.com

MANILA, Philippines – Imbes na maging ba­­lakid sa kanyang pag-eensayo ay mas lalo pang magiging determinado si Manny Pacquiao na manalo laban kay Floyd Maywea­ther Jr.

Dumating ang asa­wang si Jinkee kasama ang kanilang mga anak sa Los Angeles Airport para makasama si Pacquiao.

Hindi naitago ni Pacquiao, nakasuot ng itim na na leather jacket, ang ka­sabikan sa kanyang pamilya at agad niya itong niyakap pagpasok sa kanilang sports utility vehicle.

Nasa maigting na pag­sasanay ngayon ang Filipino world eight-division champion para sa kanilang super fight ng American world five-division titlist na si Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni chief trainer Freddie Roach na sapat na ang anim na linggong paghahanda para sa pagsagupa ni Pacquiao kay Mayweather.

“Usually an eight training camp is a little bit long for Manny because he works so hard. I worry about bur­ning him out a little bit,” sabi ni Roach. “The six week training camp I’ve deve­loped with Manny, it works better for him. We do the first two weeks strength and conditioning with Justin (Fortune) and then six weeks out we start sparring.”

Sinimulan na ng 36-an­yos na Filipino bo­xing superstar ang kanyang sparring session noong Martes katapat ang dalawang sparmates.

Sa kanilang training camp ay plano ni Roach na bawasan ang sparring rounds ni Pacquiao

“We used to spar 150 rounds but I’m going to cut that back because he doesn’t need those long wars anymore. He’s a ve­te­ran. I’m looking more at 95 rounds of sparring,” ani Roach.

Samantala, hindi rin pu­mayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions ukol sa $5 milyong drug testing penalty na unang iginiit ni Pacquiao kay Maywea­ther.

Show comments