MANILA, Philippines - Hiniritan ng UST Tigresses ang UP Lady Maroons ng 7-2 panalo para manatiling buhay ang hangaring makarating sa finals sa 77th UAAP women’s softball kahapon sa Rizal Memorial Diamond.
Seryosong hinarap ng Tigresses ang number two seeds sa step-ladder semifinals at umarangkada sa 7-0 sa pagtatapos ng ikaanim na inning para maisantabi ang twice-to-beat advantage ng katunggali.
Ang sudden-death ay gagawin sa Linggo sa ganap na alas-9 ng umaga at ang mananalo ang siyang makakalaban ng four-time defending champion Adamson Lady Falcons.
Si Christine Palma ay may dalawang RBIs sa dalawang hits habang si Kris Lacupa ay mayroong tatlong hits, dalawang runs at isang RBIs para pawiin din ng UST ang 4-7 pagkatalo sa UP sa playoff para sa number two spot.