Mayweather umatras sa $5M side deal nila ni Pacquiao

Floyd Maywea­ther Jr.

MANILA, Philippines - Mukhang may itinatagong sikreto si Floyd Maywea­ther Jr.

Matapos magkasundo hinggil sa pagkakaroon ng $5-million fine kung sino sa kanila ni Manny Pacquiao ang magiging positibo sa paggamit ng banned substance ay nag-iba ng isip si Mayweather.

Sinabi ni Michael Konz, ang Canadian adviser ni Pac­quiao, na umatras si Mayweather sa naturang ka­sunduan.

“I’m a little puzzled and a little dismayed that they wouldn’t agree to something this simple,” wika ni Koncz.

Nakatanggap ang abogado ni Pacquiao na si David Moroso ng isang liham mula sa legal counsel ni Mayweather na si Jeremiah Reynolds na nakasaad na tu­matanggi ang kanyang kliyente na pumasok sa $5 million agreement.

Kamakailan ay inihayag ng U.S. Anti-Doping Agency (USADA) ang pagkakasundo nina Pacquiao at Mayweather na sumailalim sa random, unannounced blood at urine tests na siyang maghahanap sa mga performance-enhancing substances kagaya ng testosterone, Human Growth Hormone at energy-boosting EPO.

Ang nasabing $5 milyong multa ay para lamang matiyak na walang gumagamit ng banned substance sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather.

Ilang taon na ang nakakalipas ay inakusahan si Pacquiao ni Mayweather na gumagamit ng “power pellets” para maging matagumpay sa pag-akyat sa mga weight classes.

Idinemanda ni Pacquiao si Mayweather pati na si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions dahil dito.

“I have no idea what they’re thinking about. If they truly wanted to clean up the sport, I think it sets a good example to the world that there’s nothing to hide. I want to put my money where my mouth is. Over the years, they’ve made accusations against us. They never requested the penalty. Manny was adamant about it,” sabi ni Koncz.

“We’re not making any accusations, but it’s a rea­sonable request,” dagdag pa ni Koncz.

Show comments