Gems sinolo ang unahan

Laro sa Lunes

(JCSGO Gym)

1 p.m.  Café France

vs Tanduay Light

3 p.m.  Hapee

vs Jumbo Plastic

 

MANILA, Philippines - Lumabas ang hanap na team work sa Cebuana Lhuillier para durugin ang MP Hotel, 118-78 sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umarangkada agad ang Gems sa 30-13 pa­nimula at hindi na nila nilubayan pa ang Warriors para sa ikalawang sunod na panalo ng tropa ni coach David Zamar.

“Ang mahalaga sa panalong ito ay  ang team work, ang magandang pasahan at si Moala (Tautuaa) ay hindi kinailangan na umiskor ng marami pero andoon ang kanyang leadership,” wika ni Zamar na ang koponan ang ipina­lalagay bilang team-to-beat sa liga.

Matapos gumawa ng 34 puntos sa 86-85 panalo sa Café France Bakers, si Tautuaa ay nakontento lamang sa 11 puntos dahil ang ibang kasamahan ang nagpaningas sa opensa.

Si Jackson Corpuz ay tumapos ng 26 puntos habang sina Almond Vosotros at Norbert Torres ay naghati sa 30 puntos para sa Gems na gumawa ng 58 percent shooting (42-of-73).

Ito ang ikalawang sunod na laro na tinambakan ang MP Hotel na pinangunahan ni Jopher Custodio sa kanyang 17 puntos.

Ipinamalas din ng Caga­yan Rising Suns ang kakayahang manalo kahit wala na sa koponan si Tautuaa nang kunin ang 75-70 panalo sa AMA University Titans.

Ibinagsak ni Abel Galiguez ang lahat ng 16 puntos sa huling 10 minuto ng la­ba­nan para maisantabi ng Rising Suns ang pa­nanakot ng Titans na dumi­kit ng apat na puntos, 68-72.

Si Adrian Celada ay tu­mapos ng 12 puntos ha­bang si Michael Mabulac ay tumapos taglay ang 11 para sa magandang pa­nimula ng Rising Suns.

Ito ang unang pagka­talo ng Titans matapos ang dalawang laro at nasayang ang record na 29 rebounds ni Jay-R Taganas.

Show comments