MANILA, Philippines – Sa ikaapat na sunod na pagkakataon ay kampeon uli ang Philippine Army sa men’s open division ng dragonboat competition sa Manila Bay Seasports Festival sa Baywalk sa Roxas Boulevard nitong nakaraang Sabado at Linggo.
Nagbunga rin ang pagsali ng Philippine Navy dahil nagreyna naman sila sa women’s division at Mixed open class.
Sa larangan ng bancathon, si Jerin Pasignalin na sakay ang Lourd Cedric ang nakakuha ng titulo sa Formula Race habang si Ruben Quero ng Angielyn ang hari sa Stock Race.
Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival, dinaluhan ni Liz Villaseno ng Manila Tourism & Cultural Affairs Office bilang kinatawan ni Mayor Joseph Estrada ay handog ng Manila Broadcasting Company, Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Cignal, My Juiz at Herco bilang official distributor ng mga makinang Briggs at Stratton.