MANILA, Philippines – Kontento si Manny Pacquiao sa kinalabasan ng unang araw ng kanyang sparring session sa Wild Card Gym.
Sinukat ang Pambansang Kamao ng dalawang bata at matatangkad na sparmates na sina Edis Tatli ng Finland at Kenneth Simms, Jr. at walang naging problema dahil nakasabay si Pacquiao sa mga ka-ensayo.
“My sparring partners gave me good work today,” wika ni Pacquiao sa ESPN. “They were perfect for testing the strategy Freddie and I have developed to beat Floyd Mayweather. I was very happy with my stamina and speed today.”
Hindi naging problema ang kondisyon ni Pacquiao dahil 13 araw siyang isinalang sa strength at conditioning at boxing drills. Bukod pa ito sa maagang pagsasanay na ginawa ni Pacman habang nasa Pilipinas.
Apat na rounds lamang ang itinagal ng sparring at isang round ang ginawa ni Tatli habang tatlo ang kay Simms
Kahit si trainer Freddie Roach ay masaya sa sparring dahil naibigay nina Tatli at Simms ang hanap niyang istilo ni Mayweather.
“Manny looked so fresh today. I’m very happy with what he showed me. You couldn’t tell he had been away from the ring since the (Chris) Algieri fight in November. Manny is on fire in the gym,” dagdag ni Roach.
Ang susunod na sparring ni Pacquiao ay sa Huwebes at Sabado at kung hindi magbabago ang kilos ni Pacquiao hanggang matapos ang pagsasanay ay tiyak na ang panalo nito kay Mayweather.
Ang walang talo at pound-for-pound king na si Mayweather ay nagsasanay sa pag-aaring Mayweather Boxing Club sa Las Vegas at sampung sparmates ang kanyang kinuha para tulungan siya na hanapan ng solusyon ang mala-rapidong suntok ng kaliweteng katunggali.