MANILA, Philippines – Naiayos na ang titirhan ng mga atleta at opisyales na dadalo sa 2015 Palarong Pambansa sa Davao, del Norte.
“We are proud to say that every billeting center is “Ready For Occupancy!” wika ni Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario.
May 22 billeting area ang gagamitin para sa inaasahang 10,000 bisita.
Sa bilang na ito, tatlo lamang ang matatagpuan na lampas sa 5-kilometer radius mula sa Davao del Norte Sports Complex.
“Travel time from the billeting areas to the competition venues and back will be convenient to everyone. The athletes could just even walk to the competition area if they would desire to,” dagdag ni Del Rosario.
Ito ang unang pagkakataon na ang Tagum, Davao del Norte ang tatayo bilang punong-abala sa Palarong Pambansa at lahat ay inasikaso na upang tiyaking handang-handa na ang lahat para sa kompetisyong gagawin mula Mayo 3 hanggang 9.
Lahat ng 17 rehiyon ay sasali sa Palaro na siyang pinakamalaking kompetisyon sa palakasan sa elementary at sekondaryang mag-aaral.