No entry
Simula na ang sparring ni Manny Pacquiao sa Los Angeles.
At ngayon pa lang ay nag-issue na ng warning si Freddie Roach sa mga miyembro ng Team Pacquiao na mag-ingat sa mga espiya.
“We can’t have spies in the gym,” ang paniguro ni Roach.
Sa laban kasi ni Pacquiao kay Chris Algieri nung Nobyembre sa Macau ay pumutok ang butsi ni Roach sa loob ng gym.
May napansin kasi siyang dalawang tao na kumukuha ng video habang nasa ensayo si Pacquiao.
Nagtanung-tanong siguro si Roach at ayon sa kanyang intelligence sources ay mga miyembro ito ng Team Algieri.
Bihirang magalit si Roach. Pero sa araw na yun ay muntik siyang ma-high blood. Sumigaw si Roach at pinalayas ang dalawa sa gym.
Itinanggi naman ito ng mga tao at ang palusot ay gumagawa sila ng dokumentaryo ng laban.
Hindi naniwala si Roach.
Kaya sa darating na mga araw sa Wild Card Gym sa Los Angeles ay mahigpit na ipapatupad ni Roach ang “off limits” na batas.
Walang puwedeng makapasok lalu na kung may sparring si Pacquiao.
Maging sino ka man.
Sana naman ay maintindihan ito ng mga tao. Kaming mga miyembro ng press ay sumusunod dito.
Pag sinabing off limits, eh di off limits.
Ang ayaw lang namin ay ang kami ang nasa labas ng gym pero kung sinu-sinong amuyong ang labas pasok sa gym.
Sana ay maipatupad ang batas na patas.
Off limits kung off limits.
- Latest