^

PSN Palaro

Pagdurugo ng mata isinantabi ni Paras, Phantoms iginiya sa panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihatid  ni  Kobe Paras ang Cathedral High Phantoms  sa 84-72 panalo laban sa Gahr Gladiators sa 2015 CIF  State Regional Playoffs sa California, USA.

Ginawa ito ni Paras sa kabila ng pagkakadugo ng kanyang mata matapos masundot sa second period.

Tumapos  ang anak  ni 1989 PBA  Rookie of the Year/Most Valuable Player Benjie Paras na may 27 points, 10 rebounds at 4 assists para sa Cathedral na lalabanan ang Alemany Warriors para sa tiket sa regional finals.

Umiskor si Paras ng 15 points sa first half sa kabila ng eye injury para sa 45-39 abante ng Phantoms laban sa Gladiators.

Nakadikit ang Gahr sa 59-63 sa third period bago naagaw ang unahan sa fourth quarter.

Muli namang sumandal ang Cathedral sa dating La Salle Greenhills standout para ilista ang 69-67 abante sa huling tatlong minuto ng laro.

Isang mahalagang three-point play ang nakumpleto ni Paras para sa five-point lead ng Phantoms sa huling dalawang minuto.

Tuluyan nang sinelyuhan ng 6-foot-7 na slamdunker ang panalo ng Cathedral mula sa kanyang dalawang free throws.

ALEMANY WARRIORS

CATHEDRAL HIGH PHANTOMS

GAHR

GAHR GLADIATORS

KOBE PARAS

LA SALLE GREENHILLS

MOST VALUABLE PLAYER BENJIE PARAS

ROOKIE OF THE YEAR

STATE REGIONAL PLAYOFFS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with