MANILA, Philippines - Tinalo ni Grandmaster Darwin Laylo si FIDE Master Liu Xiangyi sa 39 moves ng isang Gruenfeld duel para manatili sa title-contention matapos ang seventh round ng Asian Zonal 3.3 Championship kahapon sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Dahil sa panalo, nakisosyo ang tubong Marikina City sa No. 3 kasama sina International Master Wynn Zaw Htun at Chinese-born Singaporean GM Zhang Zhong sa magkakatulad nilang 5.0 points.
Nangunguna naman sa kanyang 6.0 points si Vietnamese GM Le Quang Liem, giniba si Filipino GM John Paul Gomez sa 43 moves ng Queen’s Gambit Declined, kasunod si GM Nguyen Ngoc Truong Son, nakipag-draw kay Wynn sa 37 moves ng Nimzo-Indian Defense.
Nasa top 10 ang limang chessers na may 4.5 points sa pamumuno nina Filipino GMs Eugene Torre, Oliver Barbosa at Richard Bitoon.
Pinaglaruan ni Torre si IM Haridas Pascua sa 37 moves ng Trompovsky Opening; nakipag-draw si Barbosa kay FM Le Tuan Minh sa 22 moves ng Slav at giniba ni Bitoon si Mongolia GM Bayarsaikhan Gundava sa 46 moves ng Catalan.
Nakalatag sa naturang nine-round, Swiss System tournament ang dalawang tiket para sa World Cup na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang Oktubre 4 sa Baku, Azerbaijan.