^

PSN Palaro

Roach tiniyak uli na kayang pabagsakin ni Pacman si M’weather

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang pag-aalinlangan si Manny Pacquiao sa kanyang tsansang manalo laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

“I am one-hundred percent confident,” wika ni Pacquiao sa panayam ni Miguel Maravilla ng Fightnews.com. “I think positive and the Lord will raise my hand May 2nd.”

Kampante ang Pambansang Kamao dahil maganda ang panimula ng kanyang training camp sa Wild Card gym.

Pumasok siya sa unang yugto sa masinsi­nang paghahanda para sa pinakamahalagang laban sa kanyang boxing career na nasa kondisyon na dahil nagpauna na siya ng sari­ling paghahanda noong nasa bansa pa sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball at gym work.

Angat ang pound-for-pound king sa pananaw ng mga mahihilig sa boxing pero walang kaso ito kay Pacman.

“I feel good being the underdog. It gives me motivation to prove something,” paliwanag nito.

Tiniyak uli ni Roach ang paniniwalang kayang patu­lugin ni Pacquiao si Mayweather na balak kunin ang ika-48th sunod na panalo sa mega-fight na ito.

Para mangyari ito ay padadaanin niya si Pacquiao sa matinding pagsasanay para maabot ang pinakamagandang kondisyon sa gabi ng labanan.

“We have some hungry upcoming fighters sparring with Manny.  We have to dominate him in the first round and take him out of his comfort zone right away,” pahayag ni Roach.

Nakataya sa laban na ina­asahang gagawa ng record sa kita sa  gate at sa Pay Per View, ang mga titulo sa WBC, WBA at WBO welterweight.

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MIGUEL MARAVILLA

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

PAY PER VIEW

WILD CARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with