Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs Barako Bull
7 p.m. San Miguel vs Rain or Shine
MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpigil sa kanilang kamalasan ay sumilip ang Aces ng tsansa sa eight-team quarterfinals cast.
Kumamada si import Damion James ng 29 points, 22 rebounds at 2 assists para pangunahan ang Alaska sa 82-68 paggapi sa Blackwater sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Tinapos ng Aces ang kanilang three-game losing slump at diniskaril ang hangad na back-to-back wins ng Elite.
“We’re still far from the top. We got to keep playing better,” sabi ni head coach Alex Compton sa Alaska, natalo sa San Miguel sa nakaraang best-of-seven championship series ng 2015 PBA Philippine Cup.
Matapos makalapit ang Blackwater sa 58-64 agwat sa unang apat na minuto ng fourth quarter ay nagtuwang sina James at Dondon Hontiveros para maglunsad ng 17-5 atake para muling ilayo ang Alaska sa 81-62 sa huling 2:55 minuto ng laro.
Tampok sa naturang ratsada ang dalawang magkasunod na three-point shot ni Hontiveros, tumapos na may 9 points sa ilalim ng 12 ni rookie guard Chris Banchero.
At mula rito ay hindi na nilingon pa ng Aces ang Elite para sa kanilang pangatlong panalo sa walong laro sa torneo.
Nauna rito, itinala ng Alaska ang 13-point lead, 34-21, mula sa layup ni Sonny Thoss bago nakalapit ang Blackwater sa halftime, 41-33.
Nagposte si naturalized center Marcus Douthit ng 21 points at 7 shot blocks, habang may tig-11 markers sina Bam Bam Gamalinda, nagsalpak ng tatlong tres sa final canto, at Raffy Reyes.
Alaska 82 – James 29, Banchero 12, Eximiniano 10, Hontiveros 9, Abueva 7, Manuel 5, Thoss 4, Espinas 3, Jazul 3, Eman 0, Baguio 0, Dela Cruz 0.
Blackwater 68 – Douthit 21, Reyes 11, Gamalinda 11, Laure 8, Heruela 5, Salvacion 5, Faundo 4, Bulawan 2, Golla1, Erram 0, Celiz 0.
Quarterscores: 18-12; 41-33; 60-49; 82-68.