MANILA, Philippines – Hindi bilib si Manny Pacquiao ukol sa sinasabing pagpapabagsak ni Floyd Mayweather, Jr. sa kanyang mga sparring partners.
Sa katunayan, ang agresibong Mayweather ang gustong labanan ni Pacquiao sa May 2 na sinasabing pinakamalaking event sa boxing history.
Ayon sa report ni Aquiles Zonio ng Philboxing.com, ipinagkibit-balikat lamang ni Pacquiao ang mga reports sa pagpapatumba ni Mayweather sa kanyang mga sparmates.
“I hope the reports were true. He (Mayweather) should be aggressive during our fight so we can make the fans happy. We all knew how he fights,” sabi ni Pacquiao.
Itinuring din ng Filipino icon ang istilo ni Mayweather na “boring.”
“In fact, his previous fights lulled me to sleep,” komento ni Pacquiao.
Ang Las Vegas-based na si Mayweather ay hindi kilalang heavy puncher at umaasa lamang siya sa kanyang boxing skills at defense.
Sa 47 fights, 26 lamang ang napigilan ng unbeaten American.
Hindi ito ikinakatakot ni Pacquiao.
“I hope, this time he would be man enough to take some risks. He should prove to the world that he’s a real and fearless fighter, not a runner,” ani pa ni Pacquiao.
Si Pacquiao ay kasalukuyang nagsasanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles.
Sa susunod na dalawang buwan ay susubukan niyang gawin ang hindi nagawa ng naunang 47 fighters --ito ay ang talunin si Mayweather.