^

PSN Palaro

Kahit pinabagsak ang mga kasuntukan, Pacquiao ‘di pa rin bilib kay Mayweather

Dino Maragay - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi bilib si Manny Pacquiao ukol sa sinasabing pag­papabagsak ni Floyd Mayweather, Jr. sa kanyang mga sparring partners.

Sa katunayan, ang agresibong Mayweather ang gustong labanan ni Pacquiao sa May 2 na sinasabing pinakamalaking event sa boxing history.

Ayon sa report ni Aquiles Zonio ng Philboxing.com, ipinagkibit-balikat lamang ni Pacquiao ang mga reports sa pagpapatumba ni Mayweather sa kanyang mga sparmates.

“I hope the reports were true. He (Mayweather) should be aggressive during our fight so we can make the fans happy. We all knew how he fights,” sabi ni Pacquiao.

Itinuring din ng Filipino icon ang istilo ni Mayweather na “boring.”

“In fact, his previous fights lulled me to sleep,” komento ni Pacquiao.

Ang Las Vegas-based na si Mayweather ay hindi kilalang heavy puncher at umaasa lamang siya sa kanyang boxing skills at defense.

Sa 47 fights, 26 lamang ang napigilan ng unbeaten American.

Hindi ito ikinakatakot ni Pacquiao.

“I hope, this time he would be man enough to take some risks. He should prove to the world that he’s a real and fearless fighter, not a runner,” ani pa ni Pacquiao.

Si Pacquiao ay kasalukuyang nagsasanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Sa susunod na dalawang buwan ay susubukan niyang gawin ang hindi nagawa ng naunang 47 figh­ters --ito ay ang talunin si Mayweather.

vuukle comment

ANG LAS VEGAS

AQUILES ZONIO

FLOYD MAYWEATHER

LOS ANGELES

MAYWEATHER

PACQUIAO

SI PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with