MANILA, Philippines – Magsisimula ngayon ang unang leg sa 17th HEAD GRAPHENE XT Junior Tennis Satellite Circuit sa Davao City at inaasahang daan-daan ang mga sasali para makakuha ng Philta points.
Ang kompetisyon ay tatakbo hanggang Marso 14 at ito ay gagawin sa Ecoland 1 at 2 Tennis Club.
“We are very excited as we kick off our first leg in Davao, considered as a tennis hotbed in Mindanao,” wika ni Liza Tang-Yuquico, Marketing Director ng HEAD Philippines.
Mga manlalaro mula Isulan, Kidapawan City, Koronadal City, Digos City, Sta. Cruz, Panabo City, Tagum City, M’lang Mati City, Kabacan at sa host Davao City ang magsusukatan sa boys at girls singles at doubles sa iba’t ibang kategorya na paglalabanan.
Ang mga ito ay sa 10-year-and-under unisex, 12-and under, 14-and-under, 16-and-under at 18-and-under
Ang ikalawang leg ay gagawin sa Isulan, Sultan Kudarat mula Marso 16 hanggang 20 bago sundan ng aksyon sa Cagayan de Oro (Marso 22 hanggang 26) at General Santos City (Marso 28 hanggang Abril 1) para makumpleto ang laro sa Mindanao.