MANILA, Philippines – Tatlong ginto ang nakikita ng Philippine Sailing Association na kanilang maihahatid sa 28th SEA Games sa Singapore sa Hunyo.
“I think we have a very good chance in the keel boats and 470 class. We will be able to get at least three gold medals for sailing,” wika ni PSA president Ernesto “Judes” Echauz.
Noong 2005 Philippine SEA Games huling nanalo ng gintong medalya ang bansa na naipagkaloob ni German Paz sa Olympic Class Neil Pryde RX:S event.
Pero hindi na naulit ito at tatlong pilak at isang bronze medal na lamang ang kanilang naihatid.
Nasa 20 gintong medalya ang paglalabanan sa Singapore na kung saan inaasahang hahataw ang host country dahil isa sila sa malakas sa water sport na ito.
“We have a very good chance. And what’s important is the training to be conducted,” ani Echauz na isa sa mga deputy chief-of-mission sa Pambansang delegasyon.
Si Julian Camacho ang Chief-of-mission habang si Cynthia Carrion ng gymnastics ang isa pang deputy.
Para patingkarin ang pagsasanay kukuha ang asosasyon ng coach mula New Zealand para tulungan ang mga sailors ng bansa.
Nasa $5000 hanggang $7000 ang bayad dito at sasagutin ito ng Philippine Sports Commission (PSC).