^

PSN Palaro

3 ginto kaya sa SEAG — Echauz

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong ginto ang nakikita ng Philippine Sailing Association na kanilang maihahatid sa 28th SEA Games sa Singapore sa Hunyo.

“I think we have a very good chance in the keel boats and 470 class. We will be able to get at least three gold medals for sai­ling,” wika ni PSA president Ernesto “Judes” Echauz.

Noong 2005 Philippine SEA Games huling nanalo ng gintong medalya ang bansa na naipagkaloob ni German Paz sa Olympic Class Neil Pryde RX:S event.

Pero hindi na naulit ito at tatlong pilak at isang bronze medal na lamang ang kanilang naihatid.

Nasa 20 gintong me­dalya ang paglalabanan sa Singapore na kung saan inaasahang hahataw ang host country dahil isa sila sa malakas sa water sport na ito.

“We have a very good chance. And what’s important is the training to be conducted,” ani Echauz na isa sa mga deputy chief-of-mission sa Pambansang delegasyon.

Si Julian Camacho ang Chief-of-mission habang si Cynthia Carrion ng gymnastics ang isa pang deputy.

Para patingkarin ang pagsasanay kukuha ang asosasyon ng coach mula New Zealand para tulu­ngan ang mga sailors ng bansa.

Nasa $5000 hanggang $7000 ang bayad dito at sasagutin ito ng Philippine Sports Commission (PSC).

vuukle comment

CYNTHIA CARRION

ECHAUZ

ERNESTO

GERMAN PAZ

NEW ZEALAND

OLYMPIC CLASS NEIL PRYDE

PHILIPPINE SAILING ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SI JULIAN CAMACHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with