North niresbakan ang South; Alapag iniretiro ang jersey No. 3

Jimmy Alapag. Philstar.com/FIle

MANILA, Philippines – Ipinatikim ng North sa nagretirong si Jimmy Alapag ang huling kabiguan nito sa Philippine Basketball Association.

Tumipa si Calvin Abue­va ng 37 points, habang may 30 markers si Ter­rence Romeo para igiya ang North sa 166-161 pa­­nalo laban sa South sa 2015 PBA All-Star Game ka­gabi sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan.

Hinirang si Romeo ng Globalport bilang All-Star Most Valuable Player.

Matapos iwanan ng South sa third period, 125-135, ay bumangon ang North para agawin ang una­­han, 160-148.

Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 25 points kasunod ang 24 ni Arwind Santos at 19 ni Marc Pingris.

Tumapos si Alapag, por­mal na iniretiro ang jersey No. 3 sa halftime, na may record na 17 assists at 12 points para sa South.

Samantala, pumanaw naman dahil sa atake sa pu­so si PBA Technical Di­rec­tor Ramil Cruz.

North All-Stars 166 - Abueva 37, Romeo 30, Aguilar 25, Santos 24, Pingris 19, Norwood 8, Belga 6, Tenorio 6, Castro 5, Lee 5, De Ocampo 2, Melton 0.

South All-Stars161 - Simon 24, Slaughter 22, Chan 22, Hugnatan 17, Devance 16, Baguio 14, Alapag 12, Taulava 11, Pringle 11, Yap 6, Barro­ca 6.

Quarterscores: 41-48; 81-88; 125-135; 166-161. (RC)

Show comments