MANILA, Philippines – Mamamahinga nang matagal si Ara Galang dahil sa tinamong left knee injury sa nakuhang four-sets win ng La Salle Lady Archers laban sa National University Lady Bulldogs noong Sabado sa kanilang knockout game sa 77th UAAP women’s volleyball.
Si Galang ay nagkaroon ng ACL at MCL tear, medial meniscus tear at bone bruise.
Gumawa ng 25 puntos si Galang sa 26-24, 21-25, 25-18, 25-21 panalo ng Lady Archers pero inilabas siya na naka-stretcher sa fourth set nang napasama ang bagsak matapos ang kill.
Ang UAAP Finals ay magsisimula sa Miyerkules at bitbit ng nagdedepensang Ateneo Lady Eagles ang ‘thrice-to-beat’ advantage laban sa Lady Archers.