Sacred Heart naghari sa NBTC

MANILA, Philippines – Gamit ang kanilang full­court-pressing defense, gi­nitla ng Sacred Heart-Ate­neo de Cebu ang six-peat NCAA champion San Beda, 82-78, para angkinin ang titulo ng 2015 Seaoil-NBTC National High School Championship ka­hapon sa Meralco gym.

Ito ang ikatlong NBTC crown ng Magis Eagles, naghari sa CESAFI tournament sa Cebu, matapos noong 2011 at 2012.

Unang sinibak ng Sac­red Heart-Ateneo de Cebu ang 2014 champion Chiang Kai Shek College sa semifinals bago labanan ang Red Cubs sa finals sa torneong suportado ng MVP Sports Foundation  at nagsisilbing official grassroots development program ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas.

Sacred Heart-Ate­neo de Cebu 82 – Jabo­neta 27, Sinclair 15, Huang 14, Longa 7, Araw-Araw 5, Mayol 4, Co­­lonia 4, Nacua 4, Co 2, Mantua 0.

San Beda 78 – Cara­cut 17, Decapia 17, Aba­tayo 12, Diputado 11, Faraque 8, Bordeos 8, Fra­mil 3, Abuhijleh 2, Ge­ralao 0, Apolito 0.

Quarterscores: 18-21; 38-42; 51-59; 82-78.

Show comments