DENVER – Si James Harden ang mananatiling offensive mainstay ng Houston, habang ang baguhang si Corey Brewer ang nagbibigay ng ningas sa kanilang opensa.
Umiskor si Harden ng 28 points, habang may 24 si Brewer mula sa bench at tinapos ng Rockets ang kanilang three-game road losing skid sa pamamagitan ng 114-100 panalo sa Denver Nuggets .
“He’s a game-changer,” wika ni Harden kay Brewer, nagmula sa Minnesota noong Disyembre bilang bahagi ng three-team trade. “He changed the game for us. We were kind of stagnant, we were down, he got a couple of steals. Brew did what Brew does and that’s why we won the game.”
Nag-ambag si Trevor Ariza ng 19 points kasunod ang 18 ni Donatas Motiejunas para sa Rockets.
Pinamunuan naman ni Wilson Chandler ang Nuggets sa kanyang 26 points, habang may 11 markers si Danilo Gallinari.
Sa Philadelphia, tumipa sina Hollis Thompson at Luc Mbah a Moute ng tig-19 points para gitlain ng 76ers ang Atlanta Hawks, 92-84.
Kumolekta si Nerlens Noel ng 11 points at 17 rebounds para sa 76ers, binura ang 16-point deficit para sa kanilang ikalawang panalo sa nakaraang 11 laro.
Tumipa si Jeff Teague ng 17 points para sa Atlanta, ipinahinga sina starters Paul Millsap, Kyle Korver at DeMarre Carroll.
Sa New York, kumamada si Rodney Stuckey ng 17 points, habang isinalpak ni George Hill ang tiebreaking 3-pointer sa huling 2:34 minuto para igiya ang Indiana Pacers sa 92-86 panalo kontra sa New York Knicks .
Ito ang season-best na pang-limang sunod na panalo ng Pacers.
Tumapos si Hill na may 15 points at kumolekta si David West ng 14 points at 11 rebounds para sa Indiana, naipanalo ang 11 sa kanilang huling 13 laro at tumabla sa seventh place sa Eastern Conference.
Sa Cleveland, pinantayan ni LeBron James ang franchise career assists record sa third quarter at tumabla ang Cavaliers sa second place sa Eastern Conference matapos ang 89-79 paggiba sa Phoenix Suns.
Dinuplika ni James ang 4,206 assists ni Mark Price sa third quarter at tumapos na may 17 points.