Kinatatakutan ng kampo ni Pacman
Ano ang bagay na kinatatakutan ng kampo ni Manny Pacquiao sa sandaling humarap ito sa laban kay Floyd Mayweather Jr?
Ang “trash talk” o ang masasamang salita.
Noong minsan ay inamin na ni Freddie Roach na hindi komportable si Pacquiao sa trash talks.
Eh paano iyan kay Mayweather na isa sa taktika sa pag-distract sa kalaban ay ang trash talking.
Obserbahan ninyo ang mga laban ni Mayweather, mahilig siyang ‘yumakap’ sa kalaban at pagkatapos ay bubulong ito nang masamang salita para mawala sa huwisyo ang kanyang kalaban.
Maging si Roach ay hindi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Manny sa sandaling magbitiw na nang maanghang at masasamang salita si Mayweather.
Baka mapikon si Pacquiao.
Kinakailangang huwag mapikon si Pacquiao.
Kung kinakailangan niya ng tibay ng kamao, kinakailangan rin niya ng tibay ng loob upang hindi mapikon kay Mayweather.
Kaya nga plano ng Hall of Fame trainer na si Roach na magdala ng mga sparring partners para kay Pacquiao na tulad ng istilo ni Mayweather na mahilig sa trash talking.
Dumating na si Pacquiao noong Sabado sa Los Angeles upang magsanay.
Nakatakdang magsagawa ng press conference ang dalawang boksingero sa Marso 11 kaugnay ng promosyon ng kanilang laban.
Ngayon pa lamang ay may nakaplano na rin si Roach para kay Mayweather na ayon sa kanya ay ilang taon na niyang pinag-isipan.
Pero kahit pa may plano na si Roach, hindi pa rin siya nagsisiguro.
- Latest