Dumadagsa na ang lahok sa Palaro
MANILA, Philippines – Nakikita ng mga opisyales ng Davao del Norte na magiging matagumpay ang gagawing pagtayo bilang punong-abala sa 2015 Palarong Pambansa.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng interes ng pagsali mula sa iba’t ibang rehiyon sa pangunguna na ng (NCR).
Pinangangambahan na hindi lahat ng rehiyon ay sumali sa pinakamalaking kompetisyon sa hanay ng mga batang atleta na nasa elementary at secondary level bunga ng naganap na engkuwentro sa pagitan ng Special Action Forces at MILF na ikinasawi ng 44 SAF noong Enero.
“Normally, kapag may issue sa peace and order, the first people that back out are people from the NCR,” wika ni Davao del Norte Representative Anthony del Rosario.
Pero may mga nakakausap siyang dating kaklase sa Ateneo at wala naman silang naipaparating na pangamba sa sitwasyon sa kanilang lugar.
Ang kanyang ama at Gobernador ng lalawigan na si Rodolfo Del Rosario ang nangunguna sa preparasyon para tiyakin na magiging ligtas at magiging kaaya-aya ang isang linggong pamamalagi ng humigit-kumulang 10,000 atleta, coaches at mga bisita para sa Palaro sa Mayo 3.
- Latest