^

PSN Palaro

Olympic qualifying events mas dapat tutukan ng mga NSAs

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang dapat ang Southeast Asian Games sa Singapore ang pagtuunan ng mga National Sports Associations (NSAs).

Ito ang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia na ang tinutukoy ay ang mga ma­gaganap na Olympic qua­lifying events dahil sa 2016 ay gagawin na ang Rio Games.

Idinagdag pa ni Garcia na hindi batid ng ahensya ang mga petsa ng Olympic qualifiers dahil te­ritoryo ito ng mga NSAs kaya’t hinihimok niya ang mga ito na tutukan din pa­ra ma­bigyan ng pagkaka­ta­on ang mga atleta na may tsansang pumasok at maaaring makapaghatid pa ng medalya.

“Dapat suriin nila ang mga Olympic qualifiers at tingnan din kung sino ang mga atleta na puwedeng mag-qualify. Mas maganda sana na ipadala ang mga at­letang may chance na ma­nalo ng medalya sa Rio Olympics pero sapat na ang makapag-qualify sila da­hil malaking karangalan na ito sa isang bansa,” wika ni Garcia.

Taong 1996 nang hu­ling nakatikim ng medalya ang Pilipinas nang kunin ni boxer Mansueto Velasco ang silver medal sa Atlanta Games.

Sa sumunod na apat na edisyon ay bokya na ang mga panlaban at kapansin-pansin din ang pagbaba ng bilang ng mga panlaban dahil noong 2012 London Games ay may 11 lamang ang nakapasa.

Noong 1932 sa Berlin ay walong atleta ang ipi­na­dala na si­yang huling pi­nakamaliit na bilang.

“Kaya nga humihingi kami sa mga NSAs ng list pa­ra malaman din namin ang kanilang mga quali­fying events. Huwag na­ting sayangin kung meron ta­yong atleta na puwedeng mag-qualify,” ani Garcia.

ATLANTA GAMES

GARCIA

LONDON GAMES

MANSUETO VELASCO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

RICARDO GARCIA

RIO GAMES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with