3-dikit ipipinta ng Painters vs Energy

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

4:15 p.m. Barako Bull

vs Rain or Shine

7 p.m. Meralco vs NLEX

 

MANILA, Philippines - Sa pagbabalik ni import Wayne Chism ay iginiya niya ang Rain or Shine sa kanilang ikalawang sunod na panalo para makasalo sa pangatlong puwesto sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.

It’s gonna be a hard course to conquer, but I’m up for the challenge and it’s gonna be a long fight,” sabi ng 6-foot-9 na si Chism matapos kumamada ng 24 points, 22 rebounds at 4 assists sa 99-89 panalo ng Elasto Painters laban sa Alaska Aces noong nakaraang Biyernes.

Hangad ang kanilang ikatlong sunod na panalo, lalabanan ng Rain or Shine ang Barako Bull ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng Meralco at NLEX sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod kay Chism, mu­ling aasahan ng Elasto Painters sina Paul Lee, Jeff Chan, Gabe Norwood at Beau Belga katapat sina seven-foot import Solomon Alabi, Sol Mercado, JC Intal, Carlo Lastimosa, Chico Lanete at Dave Marcelo ng Energy.

Nanggaling ang Barako Bull sa malaking 93-91 overtime victory laban sa Alaska noong nakaraang Martes.

Sa ikalawang laro, pilit namang babangon ang Meralco mula sa kanilang kauna-unahang kabiguan sa pagharap sa NLEX.

Namantsahan ang da­ting malinis na 5-0 record ng Bolts matapos matalo sa San Miguel Beermen, 86-102, kung saan lumagapak sa sahig si import Josh Davis matapos kumagat sa fake ni June Mar Fajardo noong nakaraang Sabado.

Show comments