^

PSN Palaro

Benedicto masusukat sa Tri United

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusukat  ang galing ni August Benedicto dahil hindi lamang mga locals kundi mga dayuhan ang kanyang makakalaban sa paglarga sa Linggo ng Unilab Active Health (ULAH) Tri United 1 sa Dungaree Beach sa Su­bic Bay Freeport.

Isa sa mga atletang pinarangalan ng Philippine Sports­writers Association sa idinaos na Awards Night, si Benedicto ay magnanais na manalo sa male elite para bigyan ng magandang panimula ang paghahangad na manatiling overall champion sa serye na inorganisa ng Bike King at suportado ng ULAH.

Ngunit dadaan siya sa butas ng karayom dahil sa inaasahang matinding kompetisyon dulot na rin ng pag­dating ng mga professional triathletes mula sa ibang bansa na sina Mitch Robins ng Australia, Eneko Elosegui ng Spain at Sarnon Chantaraj ng Thailand.

Ang national triathlete na sina John Chicano at Ben Rama ang mangunguna na susukat kay Benedicto sa mga locals.

Gagawin ang aksyon sa 1.5k swim, 40k bike at 10k run standard distance at sina Anna Stroh at Ani Karina de Leon-Brown ang magtutuos sa kababaihan.

May kabuuang P40,000.00 ang premyong inilaan at ang mananalo ay mayP10,000.00 gantimpala.

Magkakaroon din ng aksyon sa sprint distance (750m swim, 20k bike, 5k run) at meron ding magaganap na Age Groups at Team competition kung saan tropeo ang makukuha ng mangunguna sa bawat dibisyon. (AT)

AGE GROUPS

ANI KARINA

ANNA STROH

AUGUST BENEDICTO

AWARDS NIGHT

BAY FREEPORT

BEN RAMA

BENEDICTO

BIKE KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with