8 ginto nakataya ngayon sa athletics sa NCAA

MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon  ang aksyon sa 90th NCAA track and field competition at hanap ng Jose Rizal University ang kanilang ikalimang sunod na titulo.

Mangunguna sa Heavy Bombers ang mag-asa­wang sina dating national coach Jojo Posadas at multi-gold medalist sa mga international competitios na si Elma Muros-Posadas bi­lang mga coaches ng ko­ponan.

“Mas mabigat ngayon dahil lahat ng teams ay nagpalakas at naghanda. Basta kami, gagawin namin ang aming makakaya,” wika ni Jojo Posadas.

Ang  St. Benilde, Perpe­tual Help, San Sebastian at Letran ang siyang magtatangka na putulin ang dominasyon ng Heavy Bombers sa liga.

Nakikita naman ni NCAA Management Com­mittee chairman Paul Supan ng JRU na mara­ming bagong mukha ang madidiskubre sa season na ito at maaaring mapabilang sa national team sa hinaharap.

Ang Mapua ang host ng kompetisyon na gagawin sa Philsports Arena sa Pasig City at walong ginto ang paglalabanan agad sa araw na ito.

Ang mga gintong pag­lalabanan ay sa senior pole vault, long jump, discus throw at 100m run. Ang aksyon sa juniors ay sa discus throw, long jump, 100m at 200m steeplechase. (AT)

 

Show comments