4 Puerto Princesa cagers pasok sa Jr. NBA/WNBA Nat’l Training Camp

MANILA, Philippines - Tatlong batang lalaki at isang batang babae mula sa Puerto Princesa ang mga naging unang qualifiers para sa Jr. NBA/Jr. WNBA National Training Camp ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2015 na inihahandog ng Alaska na nakatakda sa Abril 24-26.

Ang apat na players ay pinili mula sa 198 partisipante sa unang Regional Selection Camp ng international youth basketball program ng NBA na idinaos sa Seminario de San Jose sa Tiniguiban, Puerto Princesa noong Pebrero 21 at 22.

Sa unang araw ay sumailalim ang mga batang may edad na 10 hanggang 14-anyos sa vitals tests, basketball drills at skills tests, aptitude at endurance challenges at natutuhan ang Jr. NBA core values na Sportsmanship, Teamwork, positive Attitude at Respect.

Sa pagtatapos ng Day 2, sina Jan Patraic Tinbancaya ng Palawan State University, Jazeel Jared Trinidad at Gerald Dagot ng Palawan National High School at Mary Nicole Carlos ng Palawan State University ang napili para katawanin ang kanilang rehiyon sa National Training Camp, ang Jr. NBA/Jr. WNBA program.

 

Show comments