Bosh malaking kawalan sa kampanya ng Heat
MIAMI — Noong nakaraaang linggo ay sinabi ni Chris Bosh na gusto na niyang makauwi para matulungan ang Heat na makapasok sa playoffs.
Ngunit ang kanyang atensyon ay nakatutok sa mas mahalagang bagay ngayon.
Tapos na ang season ng All-Star forward makaraang ihayag ng Heat na nakitaan siya ng blood clots sa kanyang baga.
Kung hindi ito nadiskubre kaagad ay maaaring mamatay ang 30-anyos na si Bosh na ilang araw nang may nararamdamang sakit sa kanyang kanang tadyang at likuran.
“He was able to get in front of it early,” sabi ni Heat guard Dwyane Wade kay Bosh. “That’s the good thing that helps all of us sleep at night.”
Inihayag ng Heat na si Bosh ay “receiving care under the guidance of Miami Heat team physicians and is prognosis is good.”
Nagposte si Bosh ng kanyang larawan sa social media accounts niya kung saan siya nakasuot ng hospital gown sa kama na may oxygen tube.
“Thank you for all the messages, love, and support. It has truly lifted my spirits through this tough process,” sabi ni Bosh.
Kumpiyansa naman si Heat coach Erik Spoelstra na makakarekober si Bosh.
“His health will be restored,” sabi ni Spoelstra.
- Latest