^

PSN Palaro

Lady Bulldogs pinatalsik na ang Lady Maroons

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Diniskaril ng National University Lady Bulldogs ang target na playoff ng UP Lady Maroons sa itinarak na 25-21, 25-16, 25-15, panalo sa pagtatapos ng 77th UAAP women’s volleyball elimination round kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinatahimik nina Jaja Santiago, Myla Pablo at Jorelle Singh ang mala­king bilang ng supporters ng Lady Maroons para maisakatuparan ang inasin­tang 8-6 baraha para sa pagtatapos ng kampanya sa double round elimination.

Si Santiago ay humataw ng 17 hits mula sa 13 kills at apat na blocks habang si Pablo ay may 11  kills tungo sa 12 hits upang itulak ang NU sa 36-21 bentahe sa attack points.

May 10 hits pa si Singh na kanyang sinahugan bitbit ang tatlong aces.

Ito ang ikasiyam na ka­biguan matapos ang 14 laro ng Lady Maroons para tutluyang mamaalam na sa kom­petisyon.

“Kailangan namin ito para magkaroon ng momentum sa semifinals,” wika ni NU coach Roger Gorayeb na nakuha ang ikaapat na sunod na panalo.

Ang mga dating sinasandalan na sina Nicole Tiamzon at Marian Buitre ay nalimitahan lamang sa tig-walong hits habang may apat na  puntos lamang si Angeli Araneta na nasa kanyang huling taon ng paglalaro sa UP.

Dahil sa pagkatalong ito, ang  UST Tigresses at FEU Lady Tamaraws ang siyang  magtutuos sa playoff  para madetermina kung sino ang kukumpleto sa maglalaro sa step-ladder semifinals.

ANGELI ARANETA

JAJA SANTIAGO

JORELLE SINGH

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

MARIAN BUITRE

MYLA PABLO

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

NICOLE TIAMZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with