^

PSN Palaro

Mayweather: ‘Pacquiao fight won’t define my legacy’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t sinasabing magiging pinakamalaking bo­xing event sa buong mundo, itinuturing lamang ni Floyd Mayweather, Jr. ang kanilang laban ni Manny Pacquiao bilang isang ordinaryong laban.

“Well I don’t feel that one fight defines my legacy,” wika ni Mayweather sa kanilang mega showdown ni Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. “To me, it’s just another day. It’s just another fight.”

Opisyal na inihayag kamakalawa ni Mayweather, magdiriwang ng kanyang ika-38 kaarawan sa Pebrero 24, ang kanilang laban ni Pacquiao matapos ang halos limang taong pagtatangkang maplantsa ito.

Kumpiyansa si Mayweather na hindi mamaman­tsahan ni Pacquiao ang kanyang malinis na 47-0-0 win-loss-draw ring record, kasama rito ang 26 knockouts.

Ito ay dahil sa kanyang bentahe sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao (57-5-2, 38 Kos) sa ilang bagay.

“I mean, when you just look at the tale of the tape, I have a longer reach, I’m taller, I’m stronger, and I’m more accurate,” ani Mayweather na naniniwalang nagbago ang kondisyon ni Pacquiao mula nang iwanan ni strength and conditioning coach Alex Ariza noong 2012.

Tatlong beses tinangkang plantsahin ang laban nina Pacquiao at Mayweather simula noong 2009.

At hindi maikakailang marami nang nagbago kina Pacquiao at Mayweather.

“He may not be the same fighter, but this is a guy that I cannot overlook. He got here somehow and some way. You never take nothing for granted because anything can happen. But as far as me being nervous or worried, absolutely not, but I’m always cautious and smart,” pagtatapos ni Mayweather.

ALEX ARIZA

BAGAMA

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

WELL I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with