^

PSN Palaro

Oranza, Cayubit palaban sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa kanilang pag­hahari sa mga sinalihang qualifying legs, inaasahan nang lalaban para sa korona sina Ronald Oranza ng Navy at Boots Ryan Cayubit ng 7-Eleven sa paghataw bukas ng six-day championship round ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC.

Kaagad na ipinakita nina Oranza at Cayubit, parehong 22-anyos, ang kanilang talento nang magkampeon sa Luzon at Visayas legs, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang binanggit ng nagdedepensang si Reimon Lapaza ng Butuan City ang mga pangalan nina Oranza at Cayubit na kanyang makakasukatan ng lakas bukod pa kay Mark Galedo.

Sisimulan bukas ang championship round ng Ronda Pilipinas 2015 sa Paseo Greenfiled City sa Sta. Rosa, Laguna at magtatapos sa Baguio City.

Tiniyak ni LBC race director Ric Rodriguez na mahihirapan ang mga siklista sa mga rutang daraanan ng karera.

“The race route is challenging and tough specially going to the final stages in Baguio,” wika ni Rodriguez.

Sa unang araw ay dalawang stages ang susuu­ngin ng mga riders.

Ito ay ang 60-kilometer criterium race sa Greenfield City sa umaga at ang 120.5-km lap na magsisimula sa Calamba, Laguna at magwawakas sa Quezon National Park o “Tatlong Eme (Three Ms)” o “Bitukang Manok (Chicken intestine)” sa Atimonan, Quezon kinahapunan.

 Halos 80 siklista mula sa Luzon at Visayas qualifiyng legs ang maglalaban para sa premyong P1 mil­yon.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BITUKANG MANOK

BOOTS RYAN CAYUBIT

BUTUAN CITY

CAYUBIT

GREENFIELD CITY

LUZON

MARK GALEDO

RONDA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with