3-dikit pakay ng Texters
STANDINGS W L
Meralco 5 0
Talk ‘N Text 4 1
Purefoods 4 2
Barako Bull 3 2
Rain or Shine 3 2
Globalport 3 3
Alaska 2 2
Ginebra 2 3
NLEX 1 3
Kia 2 4
Blackwater 1 4
San Miguel 0 4
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX
vs Talk ‘N Text
7 p.m. Alaska
vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Isang balik-import ang matutunghayan para sa Rain or Shine, habang magpaparada naman ng mga bagong mukha ang Alaska at Talk ‘N Text para palakasin ang kanilang mga kampanya sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Muling kinuha ng Elasto Painters si import Wayne Chism sa kanilang pagsagupa sa Aces na itatapat naman si Damon James sa kanilang laro ngayong alas-7 ng gabi.
Pinauwi naman ng Tropang Texters si import Richard Howell sa kabila ng kanilang 4-1 baraha para mahugot si Ivan Johnson sa pakikipagtuos nila sa NLEX Road Warriors sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon.
Si Chism, naglaro noong nakaraang Commissioner’s Cup at tinulungan ang Elasto Painters sa third-place finish, ang sasalo sa trabaho ni Rick Jackson at si James ang papalit kay DJ Covington sa panig ng Alaska.
Ang 27-anyos na si James ay miyembro ng 2014 San Antonio Spurs team na tumalo sa Miami Heat para sa NBA championship.
Nasa two-game winning run ngayon ang Aces matapos ang 0-2 panimula, samantalang target ng Elasto Painters ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Sa unang laro, pupuntiryahin ng Talk ‘N Text ang kanilang pangatlong dikit na panalo sa pagbandera kay Johnson, naglaro sa NBA para sa Atlanta Hawks at kumampanya sa South Korea, Puerto Rico at China.
- Latest