MANILA, Philippines – Sisimulan ngayong araw ang pagpapatala para sa gaganaping 2015 Manila Bay Seasports Festival sa Marso 14 at 15 sa Baywalk, Roxas Boulevard.
Inaasahang magbabalikatan ng kani-kanilang husay ang mga bangkero mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sa taunang bancathon.
Masasaksihan din ang pagtutunggali ng mga koponan sa dragon boat competition na inaasahang sasalihan ng mga beteranong Olympian at mga nagwagi sa South East Asian Games.
Hatid ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay inaasahang dudmugin ng mga manonood.
Alas-otso ng umaga ang simula ng mga karera sa tubig. Para sa iba pang detalye tumawag sa telepono bilang na 0921.723.6658.