TARLAC CITY, Philippines – Matapos ang Visayas qualifier, idaraos naman ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC ang two-stage Luzon qualifying leg na pakakawalan ngayon.
Higit sa 100 siklista ang inaasahang sasabak sa final qualifying bago isagawa ang eight-stage, six-day Championship round na nakatakda sa Pebrero 22-27 mula sa Paseo Greenfield City sa Sta. Rosa, Laguna hanggang sa Baguio City.
Kabuuang 40 cyclists sa pangunguna ng nagharing si Boots Ryan Cayubit ng 7-Eleven ang pumasok sa main event matapos malampasan ang three-stage Visayas qualifier mula sa Dumaguete patungong Sipalay hanggang sa Bacolod.
Halos kalahati ng mga riders ay hindi mga kilala.
“We saw a lot of new faces and young riders, which is a good sign since the real goal of Ronda Pilipinas to give everybody a chance to compete and if they excel will have an opportunity to make it to the national team,” sabi ni Ronda executive director Moe Chulani.
Ang Stage One ay isang 138.9-kilometer race sa Monasterio.
Bibigat ang labanan sa second at third stage na 102.5-km lap. dahil mapapasabak ang mga riders sa Antipolo kinabukasan.
Sa Luzon phase ay kabuuang 30 slots ang pag-aagawan.
Inaasahang lalahok sa Luzon phase ang national team na pinangungunahan nina 2012 Ronda champion Mark Galedo, Ronald Oranza, Rustom Lim at Jan Paul Morales, ang silver medallist sa Asian Cycling Championship.