90th NCAA beach volleyball tournament Lady Stags kontra Lady Generals sa finals

SUBIC BAY, Philippines – Sa bisa ng kanilang dalawang panalo sa tatlong laro sa semifinal round ay umabante sina Emilio Aguinaldo College tandem Charmille Belleza at Clara Camille Lo­zada sa final round ng wo­men’s division sa 90th NCAA beach volleyball competition dito sa Boardwalk kahapon.

Matapos makalasap ng 12-21, 19-21 kabiguan ki­na Gretchel Soltones at Bea Uy ng San Sebastian, bu­mangon sina Belleza at Lo­zada sa pamamagitan ng paggupo kina Angelica Legacion at Elaine Sagun ng Arellano University, 15-21, 22-20, 15-11, at paggi­ba kina Jamela Suyat at Vhi­ma Condada ng Perpe­tual Help, 21-18, 21-19, pa­ra pumasok sa finals ng torneo.

Inayos nina Belleza at Lozada ang kanilang re­­match nina Soltones, ang Shakey’s V-League ve­teran, at Uy sa finals.

Nabigo naman sina Le­gacion at Uy na maipagpa­tuloy ang kanilang arangkada matapos walisin ang ka­nilang siyam na laro sa elimination round  kasama ang mga panalo sa San Se­bastian at EAC.

Hindi nanalo ang dala­wa sa kanilang tatlong laban sa semifinals.

Sa men’s play, itinakda nina Marjun Alingasa at Johnvic de Guzman ng St. Benilde at Philip Bagalay at Paul John Cuzon ng Ma­pua ang kanilang title show­down.

Sinibak nina De Guzman at Alingasa sina Juvie Mangaring at Kerth Melliza ng EAC, 21-16, 21-12, ha­bang tinalo sina Jack Ka­lingking at Rey Taneo, 21-10, 21-13, at isinunod sina Bagalay at Cuzon, 26-24, 21-14, sa semis.

Bumangon naman si­na Bagalay at Cuzon sa na­turang kabiguan kina De Guzman at Alingasa ma­karaang payukurin ang Altas, 21-17, 14-21, 15-11, at ang Generals, 19-21, 21-19, 15-10.

Show comments