Texters kumunekta ng panalo sa Energy

Laro Ngayon

(Dipolog City)

5 p.m. Purefoods

vs Rain or Shine

 

MANILA, Philippines - Kung si Jong Uichico ang tatanungin ay hindi maganda ang inilaro ng kanyang Tropang Texters sa second half.

Ngunit ang panalo ay panalo pa rin.

Ipinalasap ng Talk ‘N Text ang unang kabiguan ng Barako Bull matapos i­poste ang 80-75 tagum­pay para magsalo sa ikala­wang puwesto sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We still have to get better. We had a good first half but I don’t think we did well in the second half,” sabi ni Uichico. “We’ve got to find a way to get more points on the board.”

Umiskor si guard Jayson Castro ng 16 points kasunod ang 15 ni rookie Matt Ganuelas-Rosser, 13 ni Willie Miller at tig-11 nina balik-import Richard Howell at Ranidel De Ocampo.

Nag-ambag si Larry Fonacier ng 10 markers na tinampukan ng dalawang three-point shots sa fourth quarter kung saan nakatabla ang Energy sa 69-69 sa 6:21 minuto matapos matambakan sa 22-33 sa second period.

Nagsalpak sina Castro at Fonacier ng magkahiwalay na tres para muling ilayo ang Tropang Texters sa 76-70 sa 3:34 minuto ng laro.

Huling nakadikit ang Barako Bull sa 73-76 mula sa dalawang free throws ni 7-foot-2 import Solomon Alabi  sa 2:27 minuto kasunod ang tres ni Castro para sa 79-73 abante ng Talk ‘N Text sa 2:03 minuto nito.

Tumipa si Alabi ng 21 points para pamunuan ang Energy, habang nagdagdag ng 16 si Carlo Lastimosa at 12 si Jake Pascual.

Kasalukuyan pang naglalaban ang Barangay Ginebra at ang Kia ni playing coach Manny Pacquiao habang isinusulat.

Talk ‘N Text 80 - Castro 16, Rosser 15, Miller 13, De Ocampo 11, Howell 11, Fonacier 10, Alas 4, Washington 0, Carey 0, Labagala 0, Espiritu 0, Reyes R. J. 0, Aban 0.

Barako Bull 75 - Alabi 21, Lastimosa 16, Pascual 12, Garcia 8, Intal 7, Lanete 5, Wilson 4, Marcelo 2, Chua 0, Salvador 0, Hubalde 0, Salva 0, Paredes 0, Sorongon 0.

Quarterscores: 25-19; 47-37; 62-59; 80-75.

Show comments