Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Talk ‘N Text vs Barako Bull
7 p.m. Kia vs Ginebra
MANILA, Philippines – Ito ang panalong hindi makakalimutan ni Leo Isaac bilang head coach sa Philippine Basketball Association.
Iginiya ni Isaac ang Blackwater sa kauna-unahang panalo nito sa PBA matapos ang 14 sunod na pagtatangka makaraang gimbalin ang San Miguel, 80-77, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“It was a moment that you could really cherish, especially for the Blackwater franchise here in the PBA,” sabi ni Leo Isaac, nagkampeon sa PBA bilang player ng Ginebra.
Kumolekta si 6-foot-11 naturalized player Marcus Douthit ng 20 points, 14 rebounds at 4 shotblocks para sa 1-3 record ng Blackwater.
Ngunit mas naging mahalaga para sa Elite ang basket ni forward Gilbert Bulawan sa natitirang 10.6 segundo sa fourth quarter.
Isinalpak ni Bulawan ang kanyang follow-up matapos ang mintis na jumper ni Rob Celiz para sa 80-77 bentahe ng Elite sa nalalabing 10.6 segundo kasunod ang tatlong mintis na tres nina Cabagnot at Marcio Lassiter sa panig ng Beermen para malasap ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan.
Nauna rito, inilista ng Beermen ang 10-point lead, 21-11, sa first period bago ang 20-6 ratsada ng Elite para kunin ang 58-50 kalamangan sa 2:00 minuto sa third quarter mula sa 38-44 halftime deficit.
Blackwater 80 – Douthit 20, Heruela 11, Faundo 10, Nuyles 8, Gamalinda 7, Bulawan 6, Salvacion 6, Canada 3, Celiz 3, Ballesteros 2, Laure 2, Acuna 2, Timberlake 0, Reyes 0, Erram 0.
San Miguel 77 – Roberts 18, Lutz 16, Santos 11, Tubid 9, Cabagnot 5, Lassiter 5, Fajardo 5, Ross 4, Omolon 2, Fortuna 2, Maierhofer 0, Kramer 0, Reyes 0, Semerad 0.
Quarterscores: 11-21; 38-44; 60-52; 80-77.