INDIANAPOLIS — Ibinigay ng San Antonio kay head coach Gregg Popovich’ ang ika-1,000 panalo nito.
Bumangon ang Spurs mula sa 14-point fourth-quarter deficit at nakahugot ng 18-foot baseline jumper kay Marco Belinelli sa huling 2.1 segundo para sa kanilang 95-93 panalo laban sa Indiana Pacers.
“I’ve been here a long time and I’ve had good players. That’s the formula,” sabi ni Popovich.
Ipinagdiwang ni Popovich ang kanyang pang-1,000 panalo sa isang simpleng paraan.
Naglakad siya sa midcourt, niyakap si Pacers coach Frank Vogel, isa sa dati niyang players, at dumiretso sa Spurs’ locker room.
Tanging sina Phil Jackson at Pat Riley ang mas mabilis na nakamit ang kanilang mga ika-1,000 panalo kesa kay Popovich.
Si Jerry Sloan ang tanging coach na nakakuha nito sa iisang koponan sa kanyang 1,127 panalo sa Utah Jazz.
Si Popovich ay may 1,000-462 record sa kanyang 19 NBA seasons na lahat ay sa San Antonio.
Sa Denver, kumamada si Kevin Durant ng 40 points, habang nagdagdag si Russell Westbrook ng 26 para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 124-114 paggiba sa Nuggets.
Ito ang ikaanim na sunod na kamalasan ng Denver.