XTERRA Albay winners
MANILA, Philippines – Sa ikatlong paglahok ni Bradley Weiss ay napagtagumpayan niyang sungkitin ang kampeonato sa men’s pro sa XTERRA sa Albay kahapon.
Tila naging inspirasyon ni Weiss ang magandang tanawin ng Mayon Volcano para makapagtala ng pinakamablis na tiyempo na dalawang oras at 28 minuto at talunin si Mauricio Hugo ng 58 segundo.
Ang world champion sa kababaihan na si Flora Duffy ng Bermuda ang kampeon sa kababaihan sa 2:43:40 at dinaig si Jacqui Slack na kinapos ng 12 minuto (2:56:51)
Sina John Chicano at Anna Marissa Renigio ang nagdomina sa local category at ang national triathlete na si Chicano ay may 2:51:17 tiyempo habang si Remigio ay may 3:47:45 winning time.
Pumangalawa kay Chicano si Billy Biag (2:54:04) habang si Noemi Andrea Galeos ang sumegunda kay Remigio (3:47:45).
- Latest