CLEVELAND--Tumugtog si Iman Shumpert ng harmonica sa locker room habang nagbibihis ang kanyang mga teammates matapos ang isang magaang na panalo.
Sa isang sulok ay isinuot ni LeBron James ang isang tight black T-shirt na may nakasulat na RWTW sa harapan.
Ang initials ay nangangahulugan ng “Roll With The Winners.”
Umiskor si James ng 23 points, habang may 24 si Kevin Love para pagbidahan ang Cleveland Cavaliers sa 105-94 panalo sa Los Angeles Clippers.
Ito ang pang-12 sunod na panalo ng Cavaliers.
Nagposte ang Cavs ng 32-point lead sa third quarter na nagbigay ng pagkakataon kina James at Love na magpahinga sa fourth period para paghandaan ang kanilang laro ng Indiana Pacers sa Biyernes.
Sa kanilang pinakamahabang winning streak matapos ang franchise-best 13-games noong 2010, tumaas ang Cavs sa first place sa Central Division.
“Long-term,” sabi ni James, “that’s exactly how we want to play. A very, very good win for us.”
Noong Jan. 16 ay tinalo rin ng Cavs ang Clippers, 126-121.
Natawagan naman ang Clippers ng limang technical fouls, kasama ang apat sa third quarter kung saan napatalsik sa laro si forward Matt Barnes.
Tumipa si Blake Griffin ng 16 at may 13 si Jamal Crawford para sa Los Angeles, umiskor ng 31 points sa final canto kumpara sa 11 ng Cleveland.
Sa iba pang resulta, inilampaso ng Portland Trail Blazers ang Phoenix Suns, 108-87; tinalo ng Charlotte Hornets ang Washington Wizards, 94-87; at sinibak ng Dallas Mavericks ang Sacramento Kings, 101-78.